Pages

Monday, October 10, 2016

Wagas na pagmamahal

Wagas na pagmamahal.. naranasan niyo na ba ito? Nasa wastong edad ba dapat para maranasan mo o nasa tamang panahon? Sa aking palagay,hindi. I was only 16 nung ma experienced ko ito and third year ako nun.. Yes,bata pa po ako. I was in high school that time and  now i am 26 and still mahal ko padin siya. He was my teacher ☺️ At first,confused ako. I don't know why. Bigla ko na lang itong naramdaman. He was 37 that time. Hindi ko po napansin ang edad niya non. Siguro dahil mahal ko siya. Opo naging kami din naman after ko mag graduate. Pero dahil may mga di kami pagkakaunawaan nagkahiwalay din kami. Bali tatlong beses na naging kami at ilang beses na din niya akong nasaktan. But because he was my first love biglang nabubuhay ang nararamdaman ko para sakanya. Na kahit ilang beses niya akong saktan heto padin ako para sakanya.
Isa lang ang nasa isip ko ngayon,mahal ko padin siya. Alam niyo,kahit anong estado ng tao sa buhay,mahirap man siya,may edad na o kahit ilang beses ka saktan ng taong mahal mo palaging siya padin ang nasa puso mo. Kahit hindi ka niya mahal o hindi siya magpakita ng pagmamahal para sayo.. Mahalin mo siya nang kahit hindi niya nalalaman. Mahalin mo siya kahit wala itong kapalit. 
  Ngayon,ganun ang nararamdaman ko para sakanya. Wala kaming relasyon pero minamahal ko siya sa paraang kaya ko.. at kung may pagkakataon na pwede ko na siyang makasama habang buhay ay gagawin ko. 
 
Ang pagmamahal hindi yan nakikita sa mga materyal na bagay lang. kung pipili ka nang isang taong mamahalin at makakasama mo pang habang buhay,mahirapan man ang  isip mo,hayaan mong ang puso mo ang gumawa nito.. Magkamali man ang iyong puso at least alam mo na mahal mo siya at handa kang makasama siya sa hirap man o sa saya.

Salamat po sa pagbasa! 

No comments:

Post a Comment