Isa lang ang nasa isip ko ngayon,mahal ko padin siya. Alam niyo,kahit anong estado ng tao sa buhay,mahirap man siya,may edad na o kahit ilang beses ka saktan ng taong mahal mo palaging siya padin ang nasa puso mo. Kahit hindi ka niya mahal o hindi siya magpakita ng pagmamahal para sayo.. Mahalin mo siya nang kahit hindi niya nalalaman. Mahalin mo siya kahit wala itong kapalit.
Ngayon,ganun ang nararamdaman ko para sakanya. Wala kaming relasyon pero minamahal ko siya sa paraang kaya ko.. at kung may pagkakataon na pwede ko na siyang makasama habang buhay ay gagawin ko.
Ang pagmamahal hindi yan nakikita sa mga materyal na bagay lang. kung pipili ka nang isang taong mamahalin at makakasama mo pang habang buhay,mahirapan man ang isip mo,hayaan mong ang puso mo ang gumawa nito.. Magkamali man ang iyong puso at least alam mo na mahal mo siya at handa kang makasama siya sa hirap man o sa saya.
Salamat po sa pagbasa!